Mga Pahayag, Pangitain, Kaganapan, at Panaginip

Mula sa

Panginoong Jehovah, Kristo Jesus, at ng Banal na Espiritu.

ama kay Raymond Aguilera

P.O. Box 20517, El Sobrente, CA.94820-0517, Fax# 510-222-4969

Copyright 1990 - 1996, Raymond Aguilera

Ang buong Aklat ng Pahayag ay may mahigit na 980 talaan na may 400+ pahina. Ang buong "Electronic Prophecy Book Program and Windows " ay pinamamahaging walang bayad para sa mga IBM computers (&other compatibles) Sumulat o mag-Fax sa address na matatagpuan sa ibaba o mag E-Mail Raymond Aguilera, o ReyAgu sa American Online para sa iba pang information.

Ito ay bahagi ng aklat (Pahayag) Bilang 33 na pinamagatang

ANG WAKAS SA PAMAMAGITAN NG ISANG BITUIN, MGA DIGMAAN, at MGA PAGBABAGO NG KLEMA SA KALIKASAN

Ang bahaging ito ay inilimbag at pinamamahaging walang bayad upang magsilbing

BABALA

sa mga tao,ayon sa kanilang pananampalataya upang lubos na makapaghanda sa kani-kanilang espiritwal na hinaharap.

"Tao ginawa kitang bantay ng bansang Israel. Ano man ang sabihin Ko sa iyo ay sabihin mo sa kanila bilang BABALA ."

EZEKIEL 3: 17

 

33 PAHAYAG / ANG WAKAS SA PAMAMAGITAN NG ISANG BITUIN, MGA DIGMAAN,AT MGA PAGBABAGO NG KLEMA SA KALIKASAN

33. Pahayag na binigay ng Panginoong Ama kay Raymond Aguilera noong Enero 21, 1991 sa salitang English at "tongues".

"Sa Langit, Sa Langit, Sa Langit, Anak Ko, Anak Ko, Anak Ko sa Langit. Alam Niya ang lahat. Alam Niya ang lahat, subalit mga anak Ko, mga anak Ko, makinig kayo sa Akin. Makinig kayo sa akin. Ito ang inyong Ama. Ito ang inyong Ama. Ngayon, kinakausap kita. Kinakausap kita ng matuwid at tahasan. Kinakausap kita bilang isang Ama. Ngayon, makinig kayo. Ngayon makinig kayo.

Kung kayo ay mananalangin, kung kayo ay mananalangin, mga anak Ko; Manalangin;Pumunta sa isang silid. Pumunta sa isang saradong lugar. Ipinid ang pinto, isara ang mga bintana. Isara ang TELEVISION. Isara ang RADIO. Ngayon, makinig kayo sa Akin. Kayo ay manalangin, kayo ay manalangin sa Akin ng buo ninyong puso at kaluluwa.

Ako ay makikinig, Ako ay makikinig. Sapagkat napakaraming kinahuhumalingang mga tukso. Napakaraming bagay na nakakaagaw pansin sa mundong ito na nilikha ng tao, oh, nilikha ng tao. Makinig kayo sa Akin mga anak Makinig kayo sa Akin mga anak. Kung kayo ay mananalangin, manalangin kayo mula sa puso, hindi mula sa isip. Manalangin mula sa puso, mula sa puso ng inyong kaluluwa.

Ito ang inyong Ama, Ang inyong Amang Jehovah. Ito ang inyong Amang Jehovah.Ito ang inyong Amang Jehovah. Makinig kayo mga anak ko. Kung alam lamang ninyo. Kung mababatid n’yo lamang kung gaano ko kayo kamahal. Minamahal ko kayo ng labis. Minamahal ko kayo ng higit sa Pag-big na maaari ninyong iukol kaninuman. Higit sa Pag-big na iniuukol ninyo sa inyong asawa, Higit sa Pag-big na iniuukol ninyo sa inyong mga anak. Higit sa pag-big na iniuukol ninyo sa inyong bahay; Yang kotse at ng yate; Higit sa pag-ibig na iniuukol ninyo sa salapi; Higit sa lahat ng bagay na maaari ninyong mahalin. Walang makahahambing sa laki ng Pag-ibig ko sa iyo. Oh, anong dakila ang aming Pag-ibig ng anak kong si Kristo at ng Banal na Espiritu.

Makinig kayo, mga anak ko. Makinig kayo, mga anak ko. Magkakaroon ng panahon. Magkakaroon ng panahon na kayo ay matatakot. Kayo ay magigimbal at mahihintakutan, subalit naandoon ako. Naandoon Akong kapiling ninyo. Manalangin kay Jesus. Manalangin kay Jesus. Siya ang inyong Hari. Siya ang inyong Hari. Siya ang Hari ng Daigdig. Siya ay anak Ko. Siya ay anak Ko.

Makinig kayo sa Akin. Makinig kayo sa Akin. Humayo kayo sa inyong silid. Ipinid ang pinto.Hilahin ang "blinds". Kunin ang Bibliya o isara ito . Hindi bale, basta maupo ka at manalangin sa Akin. Manalangin sa Akin. Manalangin sa Akin. Manalangin sa Akin nang inyong buong puso at kaluluwa. Ngayon maaari na ninyong buksan ang inyong Bibliya. Buksan ang Bibliya at magbasa. Walang kailangan kung ano mang paraan ninyo gawin.

Subalit makinig. Makinig. Ako ay nakikinig sa iyo na may Pag-ibig sa puso. Na may Pag-ibig sa Aking puso. Tao, kung mauunawaan mo lamang, kung mauunawaan mo lamang ang Anak Ko, Ang Anak Ko. Ang Anak Ko ay naandiyan. Naandiyan Siya na kapiling kayo. Siya ay nakikipagdigma ngayon. Siya ay nakikipaghamok sa isang Digmaan. Siya ay nakikipagtunggali sa mga diyablo. Siya ay nakikipaglaban kay satanas.

Subalit, makinig kayo sa Akin. Makinig sa Akin. Buksan ang mga tenga. Ang Unang Digmaan,ang Unang pagtutunggali ay nagsimula na. Desyembre 2, Desyembre 2, 1990, Desyembre 2, Desyembre 2, 1990. Itanim mo yan sa iyong utak sa ano mang paraan na nais mo. I-tattoo mo, sa mga talukap ng iyong mga mata. Bale wala sa Akin, ano man ang gawin mo. Yon ang simula, yon ang simula ng Unang Digmaan.

Ang Unang Digmaan, subalit makinig, makinig, Sinimulan Ko na rin ang Ikalawang pakikipaghamok. Ang Ikalawang pakikibaka ay kasalukuyang nagaganap na. Nagaga- nap na.Ito ay mananatili sa isang libong taon at marami pang taon, isang libong taon at marami pang taon. Hindi Ko masasabi sa iyo ang tugmang panahon. Hindi Ko nais sabihin sa iyo ang tugmang panahon, dahil kayo ay magkakaroon ng maayang paki-ramdam. Pagkatapos, kayo ay aasa ng maraming bagay, aasa ng maraming bagay at kayo ay magiging mga tamad. Hindi Ko sasabihin sa inyo ang tugmang panahon at oras subalit yaun ay parating na.Yaun ay parating na. INATASAN KO, INATASAN KO, AT ITO AY PARATING NA, MAY ISANG BITUIN NA PARATING SA INYO. MAY ISANG BITUIN NA PARATING SA INYO, MGA ANAK KO. OO, KAYO AY MATATAKOT, MAGIGIMBAL AT MASISINDAK.

Makinig kayo sa Akin, mga anak. Humayo kayo sa silid, humayo kayo sa silid at manalangin. Manalanging nag-iisa, manalanging nag-iisa. Manalangin kayo hanggang ang inyong puso ay wala nang maipanalangin. Yan ang uri ng panalangin na inyong kailangan.Yan ang uri ng panalangin na inyong kailangan upang makatagpo ng kapayapaan ang inyong puso, kung dumating ang mga araw na iyon. Sapagkat kung dumating ang mga araw na yaon, ito lamang ang magsisilbing inyong kaligtasan.

At kung kayo ay tapos na, dalhin ninyo ang inyong ina, ang inyong kapatid na lalaki, ang inyong kapatid na babae. Dalhin mo ang iyong pamilya, ang iyong mga anak at humayo kayo sa silid at isara ang pinto at manalangin mula sa kaibuturan ng inyong mga puso. Manalangin mula sa puso, mga anak ko, yan lamang ang tanging paraan. Yan lamang ang tanging paraan upang makatagpo ka ng kapayapaan sa masalimuot na panahong ito.At ang ibig Kong sabihin ay magulong panahon para sa mundo.ANG DAIGDIG NA AKALA MO AY ALAM MO AY MAGMIMISTULANG BALIW O SIRA,ALALAUN BAGAY,INISIP MONG ITO’Y NASISIRA NA NGA, SUBALIT ITO’Y MAAYOS AT TUGMA AYON SA AKING MGA PANUKALA, Ang Aking panukala, Ang Aking mga panukalang sinabi ko sa iyong mga ninuno noong araw pa. Sa mahabang panahon, maraming, maraming taon nang nakalilipas.

Ngayon, makinig kayo sa Akin.Makinig kayo sa Akin. Magtanda. Makinig. Magtanda, mga anak. Ito ang inyong Ama. Ito ang inyong Ama. Ang Ako. Ako. Ako. Ako si Jehovah, Yahweh, Yahweh, kasama ang Anak at ang Banal na Espiritu. Hindi Ko magagawang magpaliwanag na mas ‘simple’pa ki sa rito.

Makinig sa Akin, Makinig sa Akin. Makinig sa Akin. Ilan bang ulit Kong dapat sabihin ito? Maging panatag. Manahimik at makinig sa sasabihin Ko sa inyo ngayon, dahil kung ito’y dumating, magiging huli na ang lahat. Ang tanging mana- natili sa iyo ay yang Bibliya at Ako, si Kristo at ang Banal na Espiritu.Kunin mo ang iyong pamilya matapos kang manalangin sa sarili. Ipunin ang pamilya na magkakasama sa isang silid. Ipunin ang pamilya na magkakasama sa isang silid, at magsindi ng kandila Magsindi ng isang kandila. Isa, na magpapahiwatig sa iyong Ama, ang Anak at ang Banal na Espiritu. Ilagay mo ang kandila sa lugar na nais mong paglagyan. Yan ay paala-ala, yan ay paala-ala na Ako’y parating na. Ako’y parating na upang kunin ang Aking mga anak. Ang Aking mga kordero. Ang Aking mga tupa --sa Langit na kasama Ako.

Subalit alalahanin, alalahanin ang mga marahas na bagay na mangyayari sa Planetang ito. ANG KLEMA (CLIMATES) SA KALIKASAN NG PLANETANG ITO AY MAGBABAGO. A NG MGA ALON SA DAGAT AY TATAAS AT BABABA. ITO AY TATAAS AT BABABA NA HINDI TULAD NANG KARANIWANG ALAM NINYO. ANG IBIG KONG SABIHIN, ITO’Y TATAAS NA MAS MATAAS PA SA MGA BUNDOK, AT BABABA NANG MAS MABABA PA SA KANAYUNAN NG PLANETANG ITO. ANG KARAGATAN AY AAHON, AT ITO AY HUHUPA. LAHAT NG YELO SA TIMOG (NORTH) AT HILAGA (SOUTH) AY MANGAGSISIGALAW. ITO’Y HINDI LAMANG GAGALAW NANG MARAHAN. ANG IBIG KONG SABIHIN ITO’Y MANDARAGASA. ITO’Y DARAGASA NG MGA CONTINENTE ITO AY DARAGASA NG MGA CONTINENTE SA DALUYONG NA HALOS HINDI KAYO MAKAPANIWALA NA ITO’Y MANGYAYARI. Buksan ninyo ang inyong mga mata. Buksan ninyo ang inyong mga mata. ANG TAG- LAMIG AY HINDI NA TAG-LAMIG.A NG TAG-ARAW AY HINDI NA TAG-ARAW ANG TAG-LAGAS AY HINDI NA TAG-LAGAS. MULA SA LAHAT NG SULOK NG DAIGDIG, MULA SA TIMOG, MULA SA HILAGA, MULA SA SILANGAN, MULA SA KANLURAN, ANG LAHAT AY MAGMIMISTULANG PAWANG KABALIKTARAN. Sa ganon malalaman ninyong Ako ang inyong Diyos. Sa ganoon malalaman ninyong Ako ang inyong Dioyos Ang inyong Panginoon ng langit at lupa. Ang lahat ng kasalukuyan at ng mga darating pa mula sa Daigdig tungo sa Daigdig mag mumula sa Langit. Magmumula sa Langit.

Makinig sa Akin, mga anak. Ang panahon ay naitakda na. Ang oras ay hinirang na. Hindi Ko sasabihin sa inyo ang oras. Hindi Ko sasabihin ang oras kanino man. Dahil Ito ang inyong Diyos. Ito ang inyong Panginoong Jehovah. Jehovah alam ang lahat. Jehovah ginagawa ang lahat.

Subalit makinig. Makinig! Dalhin ang buong pamilya. Dalhin ang pagkakaisa sa inyong pamilya. Lahat ng mga anak ko, dalhin mo ang iyong kuya, ang iyong ate, ang iyong anak na lalaki, ang anak mong babae, dalhin silang lahat. MANALANGIN. Manalangin ng buong puso at dalhin ang buong Katawan ni Kristo na sama-sama. Sama-samang dalhin ang Katawan ni Kristo. Pagbuklurin ang mga simbahan. Sama-samang pagbuklurin ang mga simbahan, anak Ko. ITIGIL NA ANG AWAYAN, ITIGIL NA ANG PAKIKIPAGTALO BUHAT SA WALANG KABULUHANG MUMUNTING MGA BAGAY, MUMUNTING SALITA AT KARAMPUT NA LINYA TUNGKOL SA KUNG SINO ANG TAMA O SINO ANG MALI DAHIL WALANG SINO MANG TAMA O MALI MALIBAN SA AKIN. ANG IYONG AMANG JEHOVAH. ANG AKO. ANG AKO.

Ngayon, magtanda ngayon din! Dahil ang Katawan ni Kristo ay malaki; Napakaraming tao sa buong Katawan ni Kristo na maari mong bilangin. Subalit, makinig sa Akin. Ito ay napakahalaga. Maaring kabilang ka sa Katawan ni Kristo subalit, maaring hindi ka maisama.

Bakit? Dahil sa Dibdib mo. Tumatakbo ka sa lahat ng dako na naka-usli ang iyong dibdib wari bagang ikaw ay napaka-luwalhati, at napakadakila. Subalit, sinasabi ko sa iyo. Nang dahil sa dibdib na yan ay matatagpuan mo ang hukay. Yang malaking dibdib na yan ang magbubulid sa iyo sa hukay. Yang pagiging mapagmalaki (PRIDE), yang EGO. Yang yabang,yang pagmamataas. Yang yabang at pagmamataas na mayroon kayong mga Kristiyano. Akala ninyo mas mataas pa kayo sa may kapangyarihan. Lahat ng iyan ay magbubulid lamang sa iyo sa hukay.

Makinig! Magpakumbaba kayo. Magpakumbaba kayo. Maging maamo. Maging tulad ni Kristo. Kung kayo ay may mga suliranin, isiping ano kaya ang gagawin ni Kristo sa ganitong pagkakataon. Ano ang gagawin ni Kristo sa ganitong pagkakataon? Wag mag- mayabang. Wag magmayabang. Ang maingay mong bunganga ay ibubulid ka sa hukay, sa hukay, sa hukay.

Makinig sa Akin. Makinig sa Akin. Hindi Ko nais na sino man sa inyo ang magmayabang. Kinamumuhian Ko ito. Oh,hindi ‘nyo lang alam kung gaano nakakabagot sa Akin ito. Kung kayo ay nakatayo diyan at kayo ay nagyayabang at kayo ay mauupo diyan at mag bibigay ng mga hula (prophesy) at ni hindi mo nga alam kung ano ang mga pinagsasabi mo. Mauupo ka diyan at nais mong ang mga tao’y pakinggan ka.

At ang iba sa inyong mga pastor, oh ‘man’ ginagalit ninyo Ako. Oh, ‘man’, ginagalit ninyo Ako. Sobrang yabang. Napaka-arogante! Boy, ginagalit mo Ako. Sana bumaba Ako diyan at pangag-dadagukan ko kayo! Subalit alam Ko darating din ang araw mo, Ako ang bahala sa ‘yo. Alalahanin mo yan. Kung dumating na ang takdang oras mo, Ako ang bahala sa ‘yo. Alalahanin mo yan. Kung dumating na ang takdang oras aalagaan Ko yan.

At kayong mga tao. Aking mga Kristiyano. Mahal Ko kayo. Oh, ‘Man,’Gaano Ko kayo kamahal! Boy, Kung mauunawaan mo lamang kung gaano Ko kayo kamahal. Makinig, hindi Ko nais na mawala ang sino man sa inyo. Walang sino man . Wala ni isa. Mahal na mahal Ko kayo.

Oh, subalit makinig. Magpakumbaba kayo. Ilagay ninyo ang inyong tenga sa lupa. Ilagay ninyo ang inyong tenga sa lupa.Makinig, makiramdam, manghusga, husgahan ang lahat ng mga Propeta. Husgahan ang lahat na mg Propeta at tunay na manalangin, at manalangin, at manalangin. AT IPAPADALA KO ANG BANAL NA ESPIRITU AT SIYA AY MANGUNGUSAP SA INYO KUNG SINO NGA BA ANG NAGSASALITA NG KATUTUHANAN O NG HINDI. LALAGYAN KO NG KISLAP ANG INYONG MGA PUSO UPANG MASUNDAN NINYO ANG TAMA AT MATUWID. Subalit, makinig, makinig.

Yong tumatayo diyan, at sumisigaw na sinasabi sa inyo na alam niya ang lahat, ikaw na rin ang makapagsasabi. Sapagkat inatasan Ko na ang Banal na Espiritu sa mga oras na ito na ilagay yan sa puso mo. Kaya ikaw na rin ang makapagsasabi sa pagkakaiba ng mabubuting pastor sa mga masasama sapagkat ang panahon ay nagiging masalimuot. Ang panahon ay nagiging masalimuot.

At si Satanas, ang diyablo.,ay higit na nagsusumikap mula ngayon. Mulang Desyembre 2, Mulang Desyembre 2. Gagawin niya ang kanyang huli at pinakamatinding paraan para kunin ka. Gigipitin ka niya. Pupukulin ka niya ng mga problema. Babatuhin ka niya ng ‘sex’ sa mukha. Susubukan niyang sirain ang pamilya, nang higit sa ginawa na niya noon.

Makinig sa Akin. Makinig sa Akin. Gawin mong maging matatag ka. Dalhin mo ang iyong sarili sa Salita (Salita ng Diyos), mga anak Ko. Dalhin mo ang iyong sarili sa Salita, mga anak Ko. Ito ang iyong Ama. Ang Ama ng lahat. Makinig sa Akin, mga anak Ko.Makinig sa Akin mga anak Ko. Mahal Ko kayo. Mahal Ko kayo. Oh, mga anak Ko, kung malalaman mo lamang kung gaano kalaki ang pag-big na iniuukol Ko sa iyo Subalit naiintindihan Ko. Naiintindihan Ko ang kasamaan at kabuktutan ng mundong ito. Naiintindihan Ko ng higit kaysa sa inyong iniisip.

Subalit makinig. Ako ay naandiyan sa inyo. Ako ay naandiyan sa inyo at ipagtatang-gol Ko kayo laban sa mga asong-gubat. Ipagtatanggol Ko kayo laban sa mga lobo (jackals). Ipagtatanggol Ko kayo sa mga masasamang pastor. Ipagtatanggol Ko kayo sa mga masasamang propeta. ang mga bulaang propeta.

Oo, mga anak Ko. Makinig sa Akin. Ang Banal na Espiritu ay gumagalaw na kasama kayo. Binubuo Niyang muli ang lahat ng mga simbahan sa ngayon. Nag-iiwan Siya ng salita. Nag-iiwan Siya ng haka-haka. Binabago Niya ang mga batas.Binabago Niya ang kaparaanan ng kaisipan ng tao dahil dadalhin Kong muli ang Aking kawan na magkakasama. Bubuohin Ko silang muli dahil ang Panahon ay darating na. Ang Panahon ay darating na dahil ang lahat ng bagay ay ipupukol sa iyo. Ang ibig Kong sabihin-ang lahat. Kahit ang lababo sa kusina. Kahit ang lababo sa kusina. Pagkatapos marami pang iba. Pagkatapos marami pang iba.

Ang iba sa inyo ay papatayin. Ang iba sa inyo ay papatayin ng dahil sa Akin. Makinig kayo sa Akin. Makinig kayo sa Akin. Ang panahon ay magiging batbat sa paghihirap. Ang panahon ay magiging batbat ng kahirapan. Naging magaan ito sa iyo. Naging magaan ito sa iyo dahil alam Ko ang hinaharap. Alam Ko ang hinaharap.

Makinig kayo sa akin mga anak Ko. Magkakaroon ng panahon. Magkakaroon ng panahon na mahirap kang tawaging isang Kristiyano. Magiging mahirap kang tawaging isang Kristiyano mangyari hindi mo malalaman kung sino ang iyong kakausapin. Hindi mo alam kung sino ang kakausapin mo dahil kung ang maling tao ay malaman na ikaw ay isang Kristiyano maaaring ipapatay ka. Maaaring ipapatay ka. At sisikapin mong ipagtanggol ang iyong mga anak. Ikaw ay mag-aalala nang dahil sa iyong mga anak.

Subalit, makinig, ‘wag kang mag-alala kahit sukdulang patayin ka. DAHIL KUNG PATAYIN KA NILA, IKAW AY IPAGSASAMA KO SA LANGIT. KUNG GAGAWIN MO YAN NANG DAHIL SA AKIN, IKAW AY MAKARARATING SA LANGIT. Magpapadala ako ng mga Propeta. Ako ay magpapadala ng mga Propeta. Ang mga Propetang ito ay sasabihin sa iyo. Sasabihin nila ang totoo at malalaman mong sila ay nagsasabi ng totoo.

Oo,Oo,Oo. Malalaman mo. Ito ay malalaman ng puso mo. Samakatuwid, mga anak, manalangin. Pumasok sa inyong silid, ipinid ang pinto, dahil ang klema ng panahon ay magbabago. Ang klema ay magbabago. ANG IBA SA INYO AY HINDI MAGKAKA- ROON NG BAHAY DAHIL SA MGA KLEMANG ITO....ANG KLEMA........ANG MGA BAGYO. ANG MGA IPO-IPO...,ANG MGA DALUYONG....., ANG MGA TORNADO, ANG LAHAT NG IYAN. MAGKAKAROON KAYO.

Dahil sa sinabi Ko, sinabi Ko matagal na ang nakararaan, noong si Eva at si Adan ay piniling suwayin Ako. Nasaktan Ako nang lubos. Hindi ninyo alam kung gaano Ako nagdamdam. Hindi ninyo kailan man mababatid ang sakit, ang ngitngit nang makita ang mga nakita Ko. Subalit ang panahon ay naandito, ang panahon ay naandito na sinasabi Ko sa inyo sa pamamagitan ng Bibliya, daan-daan at libo-libong taon na ang nakalilipas.

Subalit, makinig. makinig. Ako ay kapiling ninyo.Ako ay naandiyan. Ako ay naandiyan. Ang lahat na mithiin ninyo ay ang inyong Ama sa langit. Ang lahat na mithiin ninyo ay ang Ama sa langit. Ang Ako. Ang Ako. Ang Ako. ‘Wag mong kalilimutan. ‘Wag mong kalilimutan. Ang Ama sa langit, ano man ang mangyari, ano man ang mangyari. ‘Wag mong kalilimutan ang iyong Ama sa langit dahil sa pamamagitan ni Kristo ang inyong kaligtasan. Sa pamamagitan ni Kristo, ang inyong kaligtasan. Sa pamamagitan ni Kristo.

Tingalain si Kristo. Si Kristo ang inyong Tagapagligtas. Namatay Siya nang dahil sa inyo. Namatay Siya nang dahil sa inyo. Para sa inyo, Siya ay nakikipaghamok ngayon. Para sa inyo, Siya ay nakikipaghamok ngayon. Subalit alalahanin, ANG IKALAWANG PAGBABALIK AY DARATING DIN. ISINUSUGO KO ANG ISANG BITUIN. ISINUSUGO KO ANG ISANG PIRASONG BITUIN. ITO AY NASA KALAWAKAN. Kung ikaw ay magmamasid, tumingin nang lubos, tingnan nang matindi, ito ay makikita mo.

Makikita mo ito sa lalong madaling panahon. Makikita mo ito sa lalong madaling panahon. At ito ay isang tanda. At yaon ay isang tanda ng mga bagay na sinabi Kong mangyayari. Ang mga yaon ay mangyayari. Ang mga yaon ay mangyayari. Marami pang magiging mga tanda, anak Ko, marami pa. Buksan mo lamang ang iyong mga tenga at iyong mga mata. Tumingin sa himpapawid. Tumingin sa himpapawid. Tingnan ang Klema ng kalikasan. Tumingin sa inyong mga kapatid.

At tingnan din ninyo ang iba na hindi makakasama sa Akin. Sila’y magbibigay din ng tanda. Makikita mo sa kanila ang mga bagay na hindi mo dapat gawin. Makikita mo sa kanila ang mga bagay na hindi mo dapat gawin. Sapagkat mayroon na Akong inilaang lugar para sa kanila. Masakit sa Akin maging kung banggitin Ko ito, maging isipin ito, na mawawala ang isa sa Akin. Na mawawala ang isa sa Akin.

Subalit batid Ko ang hinaharap. Alam Ko ang mga parating, at alam Ko ang mga mangyayari, anak Ko, Anak Ko.Hindi Ko alam ang mga kaparaan kung papaano Ko sasabihin ito sa iyo o ipakikita ito sa iyo, su balit batid Ko na kung sino ang darating. Alam Ko na. Naisulat na yaong mga parating. Ang iba ay hindi pa ipinapanganak. Ang iba ay hindi pa ipinapanganak.

Subalit makinig, makinig. Ang lahat ng salita na sinabi Ko sa inyo ay mangyayari. Bawat titik sa bawat salita na sinabi Ko sa inyo ay mangyayari. Walang ano man sa daigdig na ito ang magbabago, ayon sa mga sinabi Ko sa inyo ngayon, ayon sa mga sinabi Ko sa inyo ngayon, maging ano man ang sabihin ng pastor sa inyo. Ano man ang sabihin ng mga pantas sa katuruan. Wala ni isang salita! Wala ni isang kataga sa mga sinabi Ko ang magkakatotoo na hindi ninyo malalaman na ito ang inyong Ama. Ito ang inyong Ama sa langit. Sapagkat ang sangkataohan ay hindi maaaring bagohin ang nasimulan Ko nang pagalawin. Ang tao ay hindi maaaring bagohin ang mga nasimulan Ko nang pagalawin.

Maaaring mangat’wiran sila hanggang gusto nila. Maaaring mangat’wiran sila hanggang gusto nila, subalit wala silang ibang matatagpuan kundi ay ang --hukay. Yan ang kanilang magiging gantimpala sa mga ginawa nilang laban sa Ama. Sapagkat ang kanilang Ama’y nagbigay sa kanila ng babala. Nagbigay Siya ng mga babala sa nakaraang mga taon, sa pamamagitan ng Bibliya, sa pamamagitan ng mga Propeta. Subalit naging mga bulag kayo, naging mga bingi.

Kaya, ang tanging masasabi Ko sa inyo mga anak, ang tangi Kong pakiusap sa inyo ay tumingin kay Jesus. Tumingin kay Jesus Nazareno. Tumingin kay Jesus Nazareno. Tumingin kay Jesu-Kristo. Tumingin sa Banal na Espiritu. Tumingin sa Banal na Espiritu. Tumingin sa Banal na Espiritu at matatagpuan ninyo Ako. Matatagpuan ninyo Ako. Matatagpuan ninyo Ako. Ako si Jehovah, Ako si Jehovah. Ako si Jehovah. Ako ang lahat-lahat. Ako ang lahat , ang nangyari na, ang kasalukuyan, at ang magiging hinaharap. At walang ano maaaring makapagpabago. Ang salita ng tao ay hindi maaaring bagohin ito. Alalahanin mo yan sa iyong puso. Alalahanin mo yan sa iyong puso, mga anak Ko.

At alalahanin mo ito, alalahanin mong mahal kita, ano man ang mangyari, ano man ang mangyari, ano man ang mangyari. ‘Wag mong kalilimutan ang iyong Ama sa Langit. mahal kita nang labis-labis. mahal kita nang labis-labis.

Alalahanin mo itong Aking mga Salita. Basahin mo ang Aking mga labi. Basahin mo ang Aking mga labi. Minamahal kita. minamahal kita. minamahal kita. minamahal kita. minamahal kita, minamahal kita, minamahal kita, minamahal kita, minamahal kita, minamahal kita, minamahal kita, minamahal kita, minamahal kita, minamahal kita. Ako ang Ako, Ako ang Ako. Ang Ako. Ito ang iyong Ama. Ito ang iyong Ama. Ito ang inyong Ama sa Langit. Sinasabi Kong mahal Ko kayo. Mahal Ko kayo. Mahal Ko kayo. Mahal Ko kayo. Mahal Ko kayo. Ako, Ako, Ako, Ako, Ako si Jehovah, Ako si Jehovah, Ako si Jehovah, Ako si Jehovah. Mahal Ko kayo, Mahal Ko kayo, Mahal Ko kayo.

ng mga ibinigay na aklat sa Bibliya para isangguni :

MATTHEW Chapters 22,23,24 & 25

EPHESIANS Chapter 6

REVELATION Chapter 22

MARK Chapter 7

JAMES

1 PETER

ROMANS

LUKE Chapter 21

"Maaaring ito’y hatol na kamatayan para sa masasama. Kapag hindi mo sila pinagsabihang lumayo sa kasamaan, mamamatay sila sa kanilang kasamaan, ngunit pananagutan mo, sa Akin ang kanilang kamatayan. Ngunit wala kang pananagutan kung ayaw nilang talikdan ang kanilang kasamaan matapos mong babalaan. Kapag nagpakasama ang isang matuwid ay ilalagay ko siya sa panganib. Mawawalan ng kabuluhan ang kabutihang ginawa niya noong una at mamamatay siya sa kanyang kasalanan. Pag hindi mo siya pinaalalahanan, pananagutan mo sa Akin ang kanyang kamatayan. Ngunit kapag pinayuhan mo siyang lumayo sa kasamaan, at nakinig sa iyo, hindi siya mamamatay at wala kang pananagutan."

EZEKIEL 3:18-21